Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.com
Downloadable FormsBids and AwardsFinancial Documents

Tagalog news: Produksiyon ng ‘brown sugar’ mula sa niyog, pag-aaralan ng lokal na pamahalaan ng San Narciso

Nakatakdang magpulong sa Enero 27 ang lokal na pamahalaan ng San Narciso, Quezon sa pangunguna ni Mayor Eleonor Uy at Department of Social Welfare and Development (DSWD), Region 4-A upang pag-usapan at pag-aralan ang pagsusulong ng proyektong paggawa ng ‘brown sugar’ na isang produkto mula sa niyog.

Sinabi ni Eric Guevara, project development officer ng DSWD-4A pangunahing benipisyaryo ng nasabing proyektong pangkabuhayan sakalit matuloy ay ang 2,000 mahihirap sa bayan ng San Narciso na benipisyaryo din ng pantawid pamilya pilipino program o 4Ps ng DSWD.

Ayon pa kay Guevarra, nakatakda ring dumalo sa pulong ang isang foreigner na ngayon ay residente na rin ng San Narciso na siyang nagpakilala ng proyekto sa nasabing bayan.

Kaugnay nito, handa namang tumulong ang DSWD-4A sa mga kakailanganing kagamitan kagaya ng paglalan ng makina at iba pang mga pangangailangan sa pagsusulong ng proyektong pangkabuhayan na isa na ring maituturing na produkto mula sa niyog.

Malaki ang potensiyal na matulungang madagdagan ang kita ng mga 4Ps beneficiaries sakalit matuloy ang nasabing balak na proyekto, bukod dito kailangan pa rin ang feasibility study at project proposal bago isagawa ang proyekto, dagdag pa ni Guevarra.

Ang project proposal ay isusumite naman ng SEA-K association sa tanggapan ng DSWD at kapag naaprobahan at na-relisan ng pondo ay saka pa lamang isasakaturan ang proyekto. (RMO, PIA-Quezon)

 

 

Contact Us





You are here: Tagalog news: Produksiyon ng ‘brown sugar’ mula sa niyog, pag-aaralan ng lokal na pamahalaan ng San Narciso